Martes, Oktubre 6, 2015

LUGAR KUNG SAAN MARAMI ANG STREET FOODS (DAVAO CITY)

Patok na patok sa mga Dabawenyo, kabataan at matatanda, at  yung  may mga trabaho man o wala, mayaman man o mahirap,  ang pagkain ng mga STREET FOODS kaya naisipan namin ng aming grupo na pumunta sa mga lugar na marami ang STREET FOODS.

  • ROXAS AVENUE



Ang nakikita niyo sa larawan ay mga nakahilera na nagtitinda ng street foods dito sa Roxas. Kapag umaga dito sa Roxas ay isa lang itong simpleng kalsada na marami ang dumadaan na mga sasakyan. Pero kapag sumasapit na ang gabi unti-unti nang naglalabasan ang napakaraming nagtitinda nang pagkain dito.

  • SAN PEDRO STREET


Ang nakikita niyo sa larawan ay maliit lamang na bahagi nang mga pwesto ng mga nagtitinda ng STREET FOODS sa San Pedro St. Dito rin matatagpuan ang Sangguniang Panlungsod ng Dabaw kaya dinarayo ito nang maraming tao.

  • UYANGUREN

Ang nakikita niyo sa larawan ay ang entrance papuntang Uyanguren. Sa pagpasok niyo palang dyan ay sasalubungin na agad kayo nang mga nagtitinda nang STREET FOODS. Dito niyo makikita ang ibat ibang klase nang pagkain na pumapatok kahit na sa mga mayayaman.

  • SA LABAS NG GAISANO MALL OF DAVAO

Ang nakikita niyo sa larawan ay ang isa sa mga ibinibentang STREET FOODS sa labas nang G Mall. Marami rin ang bumibili dito dahil sa mura na presyo at malinis na pagkakaluto.



Marami pang nagtitinda nang STREET FOODS sa ibat ibang lugar dito sa Davao, kaya lang ay hindi na namin naaabutan ang mga ito dahil sa palipat lipat sila nang lugar. May iba na hinuhuli sila dahil sa hindi malinis na pagkakaluto o di kaya'y sa maling lugar sila nagtitinda. Kaya sa pagkain natin ng mga STREET FOODS ay tiyakin natin na alam nating kung pano nila ito niluluto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento