Martes, Oktubre 6, 2015

Ano nga ba ang STREET FOODS?

Ang mga pagkaing kalye o street foods ay mga pagkaing nakikita natin sa kalye. Kilala ito sa Pilipinas. Napakaraming Pilipino ang tumatangkilik dito, lalong lalo na ang mga kabataan dahil madalas itong makita sa labas ng mga paaralan. Laganap ito sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Hindi lamang ito maituturing na "uso", dahil ito din ay nagsasagisag at nagpapakita ng ating kultura.

Ano nga ba ang street foods? Madaling sagutin yan sapagkat sa pangalan pa lang ay may ideya na tayo kung ano ito. Street foods ang mga pagkaing nabibili sa kalsada o iba pang pampublikong lugar tulad ng palengke. Sa atin dito sa Pilipinas, ang ibang tao'y kumakain ng street foods pang meryenda, habang ang ib'y ginagawa na rin itong ulam sa kanin tuwing tanghali o gabi. May ibang medyo nagtitipid kaya ginagawa na itong pantawid gutom habang ang iba'y gusto lamang matikman ang kakaibang sarap na naibibigay nito. Anuman ang sabihin ng mga tao tungkol sa pagkain ng street food, di maitatatwa na ang talagang nag uudyok sa ating bumili nito ay ang mura nitong presyo sa kabila ng pagiging talagang masarap nito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento