Sa aming paglalakbay dito sa lungsod nang Dabaw eh meron kaming mga nakausap na bumibili ng STREET FOODS, at mga vendors nito.
Sa aming pagtatanong nalaman namin kung ano sa kanila ang STREET FOODS at kung bakit ito tinatangkilik ng maraming tao.
Narito ang aming paglalakbay. (enjoy watching)
STREET FOODS ADVENTURE
Rock n Roll to the World (street foods pa more)
Lunes, Oktubre 12, 2015
Martes, Oktubre 6, 2015
LUGAR KUNG SAAN MARAMI ANG STREET FOODS (DAVAO CITY)
Patok na patok sa mga Dabawenyo, kabataan at matatanda, at yung may mga trabaho man o wala, mayaman man o mahirap, ang pagkain ng mga STREET FOODS kaya naisipan namin ng aming grupo na pumunta sa mga lugar na marami ang STREET FOODS.
- ROXAS AVENUE
Ang nakikita niyo sa larawan ay mga nakahilera na nagtitinda ng street foods dito sa Roxas. Kapag umaga dito sa Roxas ay isa lang itong simpleng kalsada na marami ang dumadaan na mga sasakyan. Pero kapag sumasapit na ang gabi unti-unti nang naglalabasan ang napakaraming nagtitinda nang pagkain dito.
- SAN PEDRO STREET
Ang nakikita niyo sa larawan ay maliit lamang na bahagi nang mga pwesto ng mga nagtitinda ng STREET FOODS sa San Pedro St. Dito rin matatagpuan ang Sangguniang Panlungsod ng Dabaw kaya dinarayo ito nang maraming tao.
- UYANGUREN
Ang nakikita niyo sa larawan ay ang entrance papuntang Uyanguren. Sa pagpasok niyo palang dyan ay sasalubungin na agad kayo nang mga nagtitinda nang STREET FOODS. Dito niyo makikita ang ibat ibang klase nang pagkain na pumapatok kahit na sa mga mayayaman.
- SA LABAS NG GAISANO MALL OF DAVAO
Ang nakikita niyo sa larawan ay ang isa sa mga ibinibentang STREET FOODS sa labas nang G Mall. Marami rin ang bumibili dito dahil sa mura na presyo at malinis na pagkakaluto.
Marami pang nagtitinda nang STREET FOODS sa ibat ibang lugar dito sa Davao, kaya lang ay hindi na namin naaabutan ang mga ito dahil sa palipat lipat sila nang lugar. May iba na hinuhuli sila dahil sa hindi malinis na pagkakaluto o di kaya'y sa maling lugar sila nagtitinda. Kaya sa pagkain natin ng mga STREET FOODS ay tiyakin natin na alam nating kung pano nila ito niluluto.
Ano nga ba ang STREET FOODS?
Ang mga pagkaing kalye o street foods ay mga pagkaing nakikita natin sa kalye. Kilala ito sa Pilipinas. Napakaraming Pilipino ang tumatangkilik dito, lalong lalo na ang mga kabataan dahil madalas itong makita sa labas ng mga paaralan. Laganap ito sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Hindi lamang ito maituturing na "uso", dahil ito din ay nagsasagisag at nagpapakita ng ating kultura.
Ano nga ba ang street foods? Madaling sagutin yan sapagkat sa pangalan pa lang ay may ideya na tayo kung ano ito. Street foods ang mga pagkaing nabibili sa kalsada o iba pang pampublikong lugar tulad ng palengke. Sa atin dito sa Pilipinas, ang ibang tao'y kumakain ng street foods pang meryenda, habang ang ib'y ginagawa na rin itong ulam sa kanin tuwing tanghali o gabi. May ibang medyo nagtitipid kaya ginagawa na itong pantawid gutom habang ang iba'y gusto lamang matikman ang kakaibang sarap na naibibigay nito. Anuman ang sabihin ng mga tao tungkol sa pagkain ng street food, di maitatatwa na ang talagang nag uudyok sa ating bumili nito ay ang mura nitong presyo sa kabila ng pagiging talagang masarap nito
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)